Wednesday, November 13, 2013

Mt. Batulao (Day Hike)


Isa sa mga paborito kong gawin ay ang umakyat sa bundok pero hindi ko talaga hilig dating umakyat sa bundok pero dahil marami sa aking mga kaibigan dito sa Maynila ang mahilig umakyat, ayan nahilig narin ako.

So, ang una kong naakyat ay ang Mt. Batulao kasama friends ko syempre.

Pero una, sabihin ko muna kung paano ko pinaghandaan ito. Well, una kong naisip ay kung ano ang susuotin ko dapat ba shoes? Or sandals na pang hike? Sabi kasi ng mga kaibigan ko na umaakyat na dati mas maganda daw pag yung sandals na pang hike kasi mas komportable sya mahirap nga lang daw pag tumama yung daliri ng paa mo sa mga bato kasi tendency nito ay baka mamatay yung kuko mo sa paa depende sa pagkakatama kaya kailangan da atleast medyo mahaba yung sandals na gagamitin mo at gumamit din ng makapal na medyas.

Pero dahil first time kong umakyat ng bundok, kung ano nalang yung meron ako yun nalang yung ginamit ko, so, gumamit ako ng running shoes which is sa aking experience okay naman sya wala namang problema.
So, next kong hinanda is yung mga dapat dadalhin at dahil day hike (maganda talag pag-day hike lang kasi less ang dadalhin mo hindi gaanong mabigat ang bag) lang naman ‘yun eto yung dala ko:
·         Extrang damit na pang pampalit

  •        Ready to eat foods (San Marino Paella, biscuits and chocolates hehehe) pwede ring magdala ng    spoon para sa canned goods
  •         Power bank para sa cellphone baka biglang ma-lowbat ang phone
  •        Cap kasi masakit din sa mukha at sa batok pag mainit ang panahon
  •         Sunblock
  •     Tubig (Marami ding bilihan ng Mountain dew doon kahit sa peak)

Eto naman yung mga importante ding dalhin na nakalimutan ko:
  •          Flash light just in case gabihin sa daan or something
  •          Tsinelas (dahil shoes ang gamit ko sa pag-akyat, mas presko sa paa pagkababa ng bundok palit din ng tsinelas)
  •          Plastik na lalagyan-para sa mga damit or baka biglang umulan or para narin sa mga basura gaya nung mga lata ng pinagkainan

Tips lang, mas maganda palang ilagay sa plastic ang mga gamit bago ilagay sa bag para kung sakali mang umulan hindi mababasa ang mga importanteng gamit sa loob ng bag, kasi nung umakyat kami nasa kalagitnaan palang kami bumuhos nag malakas na ulan. Pero kung ang bag mo ay waterproof kahit di mo na ilagay sa plastic yung gamit mo.

At dahil mejo magkakalayo kami ng mga kasamahan ko, sa coastal Mall na kami nagkita-kita dahil doon yung sakayan papuntang Batangas, mga more than 2 hrs. din ang byahe namin bago kami nakarating sa Nasugbu at dun meron dung mga karindery na pwedeng kainan pwede rin magpalit ng damit kung gusto mo pang magpalit ng damit. Meron narin dun na mga tour guide naka-ID sila. Sa amin dahil 12 kami 800 pesos ang siningil sa amin ni kuya na bayad sa tour guide.

Pagkababa ng bus, sasakay pa ng tricycle papunta sa may jump off.

Pagdating dun may new and old way sila, mamimili nalang kayo kung saan kayo magsisimula.
Now, kung aakyatin nyo yung bundok ng walang maraming extracurricular activities, I mean mga picture picture ng bawat peak at bawat camp, mabilis lang yun mga 4-6hrs lang yun aakyatin. Yung iba nga may nakikita kaming tumaktakbo kahit sa mga matatarik na part ng bundok (nagt-training ata sila).
Ang isang magandang part din dun is yung rappelling, talagang na-enjoy ko yun kasi yung time na nagra-rappelling kami bumuhos ang malakas na ulan kaya mas challenging sya.

Kaya mas magandang ready lagi kasi kahit maayos yung panahon sabi ng tour guide naming bigla-bigla daw talagang umuulan and ang palatandaan daw na uulan na ay pag may mga fogs na 100% daw uulan na.
And sad part naman ay hindi ko na nailabas yung camera ko nun kasi takot akong mabasa yung cam ko heheh di ko tuloy nakunan yung peak ng bundok. Pero kahit papano may mga nakuha naman akong pictures nung hindi pa umuulan.

 Kung mapapansin nyo po yung nag-iisang puno, may camp din po dun.












Well, ang masasabi ko lang sa pag-akyat ng bundok is once na na-try mo na parang gusto mo nang ulit-ulting umakyat sa bundok and ang saya ng feeling pag nasa peak ka na at kung titingnan mo yung dinaanan mo na para bang ang hirap akyatin, kasi pagtumingin ka talaga sa dinaan mo parang ang hirap pero yung feeling na nakaya mo sya ansaya talaga grabe!




No comments:

Post a Comment