Sunday, May 26, 2013

Eat All you Can At City Buffet (Robinson's Galleria)

 Hey guys! eto ang kauna-unahang blog ko kaya sana pagtyagaan nyong basahin.

Napanood ko kasi sa "Ang Pinka" and na kasama sa patok na eat all you can buffet ang City Buffet kaya naman sinubukan ko sya sa Robinsons Galleria.

Sa bungad palang ng restaurant ay maganda ang ambience nito na para bang ansarap kumain. Ayan ang itsura ng labas nya.

At dahil weekdays kami pumunta at lunch pa, madali lang kami nakakuha ng table.

Pero wag ka ha, kahit weekdays mejo marami ding tao. Kung makikita nyo ang larawan sa ibaba aya ang style ng upuan nila para sa pang-apatan. Maganda naman ito kaso ang problema lang ay, paggustong lumabas ng nasa loob ng upaun (kasi may pader na sa gilid) ay kailangan mo pang tumayo para bigyan sya ng daan palabas (uhm, gets nyo ba?) anyway pagpumunta kayo dun malalaman nyo yung sinasabi ko :)
 Ang larawan naman sa ibaba ang ang mga table para sa maramihan, ang kaya nyang i-occupy ay 12 persons yan yung pinakamahaba nilang table. Meron ding pang 6 to 8 persons na table.


 Ayan, punta naman tayo sa mga pagkain nila... ayan na... alam ko naman na yan ang inaabangan nyo eh.


Well, eto nga pala ang aking unang plate. Sorry ha, makalat sa sususnod hindi na. Unahin natin ang pansit sorry di ko alam ang totoong tawag jan basta noodles. So eto ang masasabi ko sa lasa, dahil lagi naman akong nakakain ng ganyang noodles it’s either sa Chinese o Korean restaurant ang ating ko dit ay 3 out of 5. Kung nakakain na kayo sa Seoul Garden (Sa Robinson Galleria din ‘to) mas masarap pa dun  ang fried noodles nila kesa sa City Buffet.
Next ay ang di ko rin alam pangalan eh L basta yung may kalabasa yan na fried with breadings. Okay naman sya kaso nung nakuha ko na sya din a ganun ka crispy.
The beans, ok din mejo ma-anghang pero tama lang yung anghang.

Ang sumunod na plate, unahin natin yung crab at dahil di ako masyadong mahilig sa crab di ko sya type sa totoo lang kasi parang walang crab meat sa loob parang tinanggal lahat at shell nalang yung natira tapos nilagyan ng kung anong laman (Sorry, ganyan talaga ako mag-comment).

Anyway,yung shrimp naman na may pudding errrr hindi rin masarap sa panlasa ko eh. Guys, sasabihin ko nalang ditto yung maalala ko ang lasa ha. Unfortunately parang yung di maganda ang lasa ang naalala ko.



At dahil mahilig din ako sa sushi (Maki) ay yun agad ang sinunod kong lantakan. But to my disappointment yung rice nung sushi is very very soft na parang na-over cook. Eto pa ha at dahil di ako nasatisfy sa sushi nila pumunta ulit ako nung sumunod na week kasi baka kasi akala ko yung araw lang nay un ganun ang luto ng sushi (I would say:”I’ts a disaster”) pero nung pangalawang punta ko ganun parin, very disappointing. Pero Kung di naman kayo ganun kahilig sa sushi ok lng siguro pero sa mga kagaya ko na mhailig sa sushi ewan ko lang. pero masarap din yung gyoza nila.



Eto dito talaga ako natakam, sa dessert nila hmmmm…. Yumyumyum… Ang masasbi ko masarap lahat ng dessert nila. Sa ice cream, cakes at marami pa. Ay, oo nga pala nakalimutan kong banggitin masarap din yung salad nila. Now, back to ice cream, ang pinaka gusto kong flavour ng ice cream ay yung avocado try nyo yun masarap! (sorry,ayaw mag-upload nung ice cream, upload ko nalang next time).




Nasabi ko na bang pwede kang magpaluto ng seefoods doon? For free? O ayan nasabi ko na ha.

Now, back to the ambience and masasbi ko ay maganda pero parang di ko ramdam yung aircon nila dun, mas malamig pa sa labas ng restaurant. Para kang kumakain habang nag-b-burn ng fats o calories hehehehe.


At alam ko gusto nyo din malaman ang price kaya ayan kinuhanan ko nalang ng larawan para may pruweba.


Yung sinasabi nilang leftover ay para lang ata sa pagkain yun di kasama sa drinks, kasi nung umalis kami dun parang mahigit kalahati pa ng baso ang di ko nainom na drinks pero di naman ako siningil.



Eto naman ang mga reklamo ng mga kasabayan ko na kumain:



  1. Antagal dumating ng pinakuhang tubig, di na makahinga yung kumakain wala paring tubig.
  2. Matagal dumating yung pinaluto nilang isda, paalis na sila wala pa.
  3. Matagal din silang mag-refill, sabi darating daw pero sa dinner na pala darating.
  4. Sa akin naman, tinanong ko kung may darating pang cheese cake sabi OO daw pero paalis na kami wala pa and take note ha kami yung pinaka-huling umalis.

Eto naman ang gusto ko at gusto ng mga kasama ko:


  1. Kami talaga yung pinaka huling umalis 2:15 kasi yung last call nila and mga 2:30 kami nalang yung natira pero pinayagan parin kaming kumuha ng desserts 3:00 na kami naka-alis nun.


Kung sa pagkain mas marami ang pagkain sa Dads pero kung base naman sa rate nila okay narin yun.

Pero pinaka-overall rate ko sa kanila is 7 over 10.

Eto nga pala phone number nila kung gusto nyong tumawag: TEL:696-9324


Pwede rin po kayong mag-iwan ng mensahe sa baba.
 




No comments:

Post a Comment